^

Bansa

GMA naoperahan na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Naisailalim na sa maselang operasyon sa “cervical spine” si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa St. Luke’s Medical Center-Global City, Taguig kung saan agad itong idiniretso sa surgical intensive care unit ng naturang pagamutan.

Inumpisahan ang naka-iskedyul na operasyon dakong alas-7 ng umaga kahapon. Pinatulog muna ang da­ting Pangulo at inilagay sa breathing apparatus bago isinailalim sa operasyon sa “Anterior Cervical Decompression and Fusion” kung saan tinanggal ang ilang nerves at nilagyan ng titanium plates ang bahagi ng leeg para maitama ang gulugod nito.

Dakong ala-1 na ng hapon nang ilabas ang wa­lang malay na si Arroyo sa operation room at inilipat sa ICU. Sinabi ni Dr. Juliet Gopez-Cervantez, isa sa mga doktor ni Arroyo, na mananatili ng hanggang isang araw sa ICU ang dating pangulo na bahagi ng panuntunan ng pagamutan. Matapos na matiyak na ligtas na ang kalagayan nito ay ililipat na ito sa kanyang kuwarto.

Matatandaan na isinugod sa naturang pagamutan si Arroyo nitong nakaraang Lunes ng hapon makaraan ang SONA ni Pangulong Aquino.

vuukle comment

ANTERIOR CERVICAL DECOMPRESSION AND FUSION

DAKONG

DR. JULIET GOPEZ-CERVANTEZ

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

INUMPISAHAN

MATAPOS

MEDICAL CENTER-GLOBAL CITY

PAMPANGA REP

PANGULONG AQUINO

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with