^

Bansa

Simbahan bukas sa responsableng pagmimina

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Inamin ng isang pari sa Cebu na bukas ang Simbahang Katoliko sa responsableng pagmimina at napakahalaga sa kanila na pamahalaan at paunlarin ang ating mga yamang mineral para sa henerasyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Ayon kay Rev. Fr. Zandy Tapic, kura paroko sa Lutopan, Toledo City, Cebu, kung saan mayroong panukalang open-pit copper mining project, nagsadya siya sa Palawan at nakipag-usap sa Obispo at ilang pari upang matutuhan ang ilang isyu sa pagmimina lalo ang open-pit mining method.

“We priests also want to learn about mining; we are open to mining as long as it is done responsibly,” sabi ni Fr. Tapic sa panayam ng local media kamakailan.

Nang tanungin kung nababahala ang kanyang parokya sa panukalang paggamit ng open-pit mining sa kanilang komunidad, nilinaw ng pari na ang dapat na isyu ay responsableng pagmimina.

“Open-pit mining is not the issue; the issue is managing these resources responsibly”, ani Fr. Tapic sabay diin na ang lugar ng pagmiminahan ang dapat may prayoridad sa mga benepisyo sa mining project. “So far we are feeling some benefits from the mining industry in our area, we were able to build our church with the help of the mining company we are hosting.”

Tagapagbantay rin ng kalikasan si Fr. Tapic at nagmula siya sa pamilya ng mga magsasaka kaya malapit sa kanyang puso ang proteksiyon sa kapaligiran.

AYON

CEBU

INAMIN

LUTOPAN

MINING

NANG

SIMBAHANG KATOLIKO

TAPIC

TOLEDO CITY

ZANDY TAPIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with