^

Bansa

Death toll kay Juaning: 35 na, 25 pa nawawala

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 35 katao ang death toll kabilang ang dalawang pulis na nasawi sa rescue mission sa Ifugao habang 25 pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Juaning partikular na sa Bicol Region, Southern at Northern Luzon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, karamihan sa mga nasawi ay mula sa lalawigan ng Albay, Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte.

Sinabi ni Ramos, 36 rin ang naitalang nasugatan habang 52 ang nasagip.

Kabilang sa nadagdag sa death toll ang dalawang bayaning pulis na sina  PO2s Jessie Domingo at Ricky Angwit na pawang kasapi ng Aguinaldo Municipal Police Station (MPS).

Ang dalawa ay kapwa miyembro ng rescue team na nalibing ng buhay sa landslide habang tinutulungan ang tatlong empleyado ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR na maiahon ang sasakyan na nalubog sa maputik na highway sa bayan ng Aguinaldo, Ifugao dakong alas-3 ng hapon nitong Miyerkules.

Kahapon ay narekober na rin ang tatlo pang bangkay na nalibing sa landslide sa Ifugao.

vuukle comment

AGUINALDO MUNICIPAL POLICE STATION

BICOL REGION

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

IFUGAO

JESSIE DOMINGO

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NORTHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with