^

Bansa

AFP hindi natitinag sa military buildup ng China sa Spratlys

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Minaliit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaulat na military buildup ng China sa kons­truksyon ng dalawang aircraft carriers nito sa pinag-aagawang Spratly Island sa West Philippine Sea (South China Sea).

Sinabi ni AFP Spokesman Commodore Miguel Jose Rodriguez na batid ng AFP ang ginagawang aircraft carriers ng China sa lugar pero kumpiyansa silang hindi ito makakaapekto sa isyu.

Batay sa ulat, nasa pinal na estado na ang China sa konstruksyon ng 2 aircraft carrier na idedeploy sa Hainan Region.

Sa kasalukuyan ay naglalayag na patungong Pilipinas ang BRP Gregorio del Pilar, ang kauna-unahang Hamilton Class Cutter ng Philippine Navy na galing sa Hawaii at pinaandar ng US Navy crew.

Ang nasabing barko ay idedeploy ng Navy sa West Philippine Sea upang mapalakas pa ang patrol operations sa pinag-aagawang isla.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATAY

GREGORIO

HAINAN REGION

HAMILTON CLASS CUTTER

PHILIPPINE NAVY

SOUTH CHINA SEA

SPOKESMAN COMMODORE MIGUEL JOSE RODRIGUEZ

SPRATLY ISLAND

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with