Manghihingi ng limos dadami dahil sa CCT
MANILA, Philippines - Mas lalo lamang dadami ang mga manghihingi ng limos sa ating bansa dahil sa plano ng gobyerno na pagpapalawak sa saklaw ng Conditional Cash Transfer Program (CCT).
Ito ang paniniwala ni Gabriela party list Rep. Emmi de Jesus matapos ang pahayag ni DSWD Sec. Dinky Soliman na kampante itong ibibigay sa kaniya ng Kongreso ang hinihinging P39 bilyon na pondo para sa 2012.
Sinabi ng kongresista na ang pagpapalakas sa CCT ay gagamiting excuse ng administrasyon sa kabiguan nitong makalikha ng trabaho at maayos na sahod.
Giit ni de jesus, kahit ang mga mahihirap nating mga kababayan ay ayaw nabibigyan ng limos bagkus ang gusto ng mga ito ay maayos na hanapbuhay.
Sa isinumiteng 2012 proposed national budget ng Malakanyang sa Kamara, tataasan sa P39 billion mula sa P23 billion ang pondo ng CCT para sa target na 3 milyong pamilyang mahihirap.
- Latest
- Trending