^

Bansa

Ochoa: Pag-rebisa ng penal code kailangan

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Itinutulak ng Security, Justice and Peace Cabinet Cluster na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., na maisaayos at maging malinaw ang Revised Penal Code ng Pilipinas upang makatugon sa kasalukuyang panahon.

Ipinahiwatig ni Ochoa ang pagsasapanahon nito sa ginanap na Communication and News Exchange (CNEX) sa Philippine Information Agency (PIA) kahapon. Aniya, ang revised penal code ng bansa ay naisabatas noon pang Disyembre 8, 1930 kung kaya’t kinakailangan na itong baguhin.

Sinabi pa nito na minsan na ring nagkakaroon ng kalituhan sa mga abugado at huwes dahil may mga hindi malinaw na nakasaad sa revised penal code. Nakakadagdag pa umano ito sa hirap ng pag-uusig sa mga nasasakdal dahil hindi malaman kung “ano bang kaso ang dapat isampa.”

Upang malunasan ito, ani Ochoa, “Dapat maging klaro ang kahulugan ng mga elemento sa isang krimen.”

May mga dalubhasa sa batas silang kukunin upang makatulong sa mga pagbabagong kailangan gawin.

ANIYA

COMMUNICATION AND NEWS EXCHANGE

DAPAT

DISYEMBRE

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

IPINAHIWATIG

ITINUTULAK

JUSTICE AND PEACE CABINET CLUSTER

OCHOA

PHILIPPINE INFORMATION AGENCY

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with