^

Bansa

Zambales niyanig ng 5.9 lindol

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Niyanig ng 5.9 magnitude na lindol ang Iba, Zambales kahapon ng ala-1:15 ng madaling araw.

Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs), nakaramdam ang Iba, Zambales ng tatlong aftershocks, una ganap na alas 2:12 ng madaling araw na umabot sa lakas na magnitude 3.9  at 4.0 magnitude dakong alas 3:10 ng umaga.

Sa ikatlong aftershock bandang 3:34 ng umaga ay umaabot naman sa 2.8 magnitude ang naitala sa nabanggit na lugar.

Ayon sa Phivolcs, bagamat apat na beses na niyanig ang Iba wala namang naiulat na nasugatan o napinsalang ari-arian.

Naramdaman din ang lindol sa intensity 4 sa Clark, Pampanga; Obando, Bulacan; Quezon City, Manila, Alabang Muntinlupa; Bacoor, Cavite habang intensity 3 sa Makati, Pasig, Mandaluyong, Tagaytay; Cabanatuan, Nueva Ecija at intensity 2 sa Baguio City.

vuukle comment

ALABANG MUNTINLUPA

AYON

BACOOR

BAGUIO CITY

BULACAN

CABANATUAN

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMO

PHIVOLCS

QUEZON CITY

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with