^

Bansa

2012 national budget plantsado na

-

MANILA, Philippines - Pomal ng isinumite ng Malacañang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang proposed budget para sa 2012.

Personal na iniabot ni Budget Secretary Butch Abad ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P1.818 Trillion na tumaas sa 10.4 porsiyento o P171 bilyon na tututok sa mga social projects ng Aquino administration tulad ng anti-corruption and good governance, poverty reduction, edukasyon at iba pa.

Sinabi pa ni Abad na inilatag ng Palasyo ng mas maaga ang proposed budget para maikasa na rin ang bidding para sa mga proyekto sa pagbubukas ng taong 2012 kung saan kabilang sa top 5 government agencies na may mataas na laang pondo ay ang Education na P238.8 bilyon, DPWH, P125.5 billion; Defense, P107.9 billion; Agriculture at DSWD.

Mula naman sa kasalukuyang P21 bilyon na budget para sa Conditio­nal Cash Transfer (CCT) program ngayon taon ay lumobo ito sa P39.5 bil­yon para sa pantawid pamilyang Pinoy upang mapalawig pa ang mga beneficiaries nito sa tatlong milyong mahihirap na Pinoy mula sa P2.3 milyon ngayon taon.

Ayon naman kay House Speaker Feliciano Belmonte, magiging puspusan ang gagawing budget deliberation ng Kamara.

Sinabi rin ni Belmonte na nasa 250 mula sa 285 kongresista ang nakakuha ng kanilang pork barrel kayat apela nito sa mga kongresista, huwag sanang idamay sa kanilang sama ng loob ang deliberasyon sa budget.

Kinumpirma naman ni Abad na hindi magbabago ang makukuhang pork barrel ng dalawang kapulungan kung saan P70 milyon kada taon ang para sa bawat kongresista habang P200 milyon sa mga senador.

Sa Lunes, Agosto 1 sisimulan ang deliberasyon at inaasahang matatapos sa December 15 bago mag-recess ang Kamara para sa Christmas break. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

ABAD

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

BUTCH QUEJADA

CASH TRANSFER

GEMMA GARCIA

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

MABABANG KAPULUNGAN

PARA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with