^

Bansa

GMA ooperahan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang maselang ope­rasyon sa “cervical spine” ang nakatakdang isagawa kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo makaraang isugod ito sa St. Lukes Medical Center sa Global City, Taguig kamakalawa.

Sa pinakahuling me­dical bulletin na ini­labas ni Dr. Juliet Cervantes, ang attending physician ng dating Pangulo, nagkaroon ng problema ang ugat sa leeg ng kongresista na posibleng ma­ging sanhi umano ng pagkaparalisa kapag hindi kaagad na-operahan.

Aminado ang mga doktor na magiging delikado ang isasagawa nilang ope­rasyon sa dating Pangulo dahil sa napakasensitibo ng mga ugat na maaaring tamaan na siyang nagpapagalaw sa braso at kamay ng pasyente.

Kasalukuyang naghahanda na umano si Arroyo sa mga kakailanganin para sa naturang operas­yon.

Matatandaan na isinugod si Arroyo sa natu­rang pagamutan nitong Lunes ng gabi matapos na dumalo sa pagbubukas ng Kongreso at aktibidad sa Porac, Pampanga kung saan hindi ito dumalo sa SONA ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Dr. Cervantes na maaaring ang matinding stress at sobrang trabaho ang dahilan ng paglala ng kundisyon sa cervical spine ni Arroyo.

Kapag natapos ang operasyon ay maaring magpahinga muna ng dalawang linggo si Arroyo para sa kanyang recovery period.

Samantala, hiniling kahapon ng Malacañang sa publiko na ipagdasal ang maagang paggaling ni Congw. Arroyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hangad ng Palasyo ang maagang paggaling ng dating Pangulo. (Dagdag ulat nina Rudy Andal/Gemma Garcia)

DR. CERVANTES

DR. JULIET CERVANTES

GEMMA GARCIA

GLOBAL CITY

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PAMPANGA REP

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with