^

Bansa

Sigalot sa Spratly tatalakayin ng US, PH military commander

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bibisita sa tanggapan ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban Jr. si US Pacific Command Chief Admiral Robert Willard  at isa sa mga posibleng talakayin ay ang isyu ng sigalot sa agawan ng teritoryo sa Spratly Island sa West Philippine Sea (South China Sea).

Ang Estados Unidos ay isang kilalang kaal­yansa ng Pilipinas kung saan una nang nagpahayag ang superpower na bansa na handa itong tumulong sa pamahalaan sakaling umatake ang tropa ng China laban sa security forces ng AFP sa nasabing lugar.

Si Willard ay nagtu­ngo sa Zamboanga City kahapon at anumang araw ay dadalawin si Oban sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay AFP Spokesman Commodore Miguel Jose Rodriguez, ang pagbisita ni Willard sa  tanggapan ni Oban ay bilang paghahanda kaugnay ng nakatakdang pagpupulong ng RP-US Mutual Defense Board kung saan kapwa co –chairman ang dalawang opisyal  na isasagawa sa Hawaii sa darating na Setyembre.

Bukod sa Pilipinas kabilang pa sa mga bansang nag-aagawan sa Spratly Island ay ang Taiwan, Malaysia, Brunei, Vietnam kung saan pinakamapangahas at inireklamo ng pamahalan sa serye ng intrusyon ay ang China.

Sinabi ni Rodriguez na ang pagbisita ni Willard ay regular na ginagawa ng mga opisyal ng USPACOM at iba pang opisyal ng US military na isang pruweba na maigting  ang ugnayan sa Mutual Defense Treaty sa pagitan ng magkaalyadong puwersa sa loob ng 60 taon.

Inaasahan ring pag-uusapan ng dalawang opisyal ang mga isyu na kapwa interes ng Pilipinas at US military para higit pang mapatatag ang kooperasyon at pagsasanay ng tropang Kano at ng mga sundalo ng bansa o ang RP-US Balikatan joint military exercises.

ANG ESTADOS UNIDOS

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF GEN

EDUARDO OBAN JR.

GENERAL HEADQUARTERS

MUTUAL DEFENSE BOARD

MUTUAL DEFENSE TREATY

PACIFIC COMMAND CHIEF ADMIRAL ROBERT WILLARD

PILIPINAS

SPRATLY ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with