Genuino, 9 pa nasa hold departure list
Manila, Philippines - Naglabas na ng hold departure order ang Bureau of Immigration laban kay dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chief Efraim Genuino.
Ayon kay BI chief Ricardo David, ito’y kasunod ng kautusan ng Department of Justice (DOJ) na nilagdaan ni Chief State Counsel Ricardo Paras na nag-aatas sa BI na ilagay sa hold departure list si Genuino na epektibo na agad ipinatupad.
Bukod kay Genuino, kasama rin sa mga hindi papayagang lumabas ng bansa ang kanyang mga anak na sna Erwin, Sheryl Genuino-Sy, gayundin sina Raphael Butch Francisco, Edward King, Rene Figueroa, Atty. Carlos Bautista Jr., Emil Boyet Marcelo, Rodolfo Soriano Jr. at Johnny Tan.
Si Genuino at ang kanyang mga anak ay ipinagharap ng kasalukuyang mga opisyal ng PAGCOR ng kasong plunder at malversation of public funds sa DOJ dahil sa maling paggamit ng pondo ng ahensya kabilang na ang ipinuhunan para sa pelikulang Baler, ang inilaang pondo para sa Bida Foundation at biniling mga sako ng bigas na umano’y ginamit sa kampanya noong 2010 elections nang kumandidato ang dalawang anak ni Genuino sa local na pwesto sa Makati at Los Baños, Laguna.
- Latest
- Trending