MANILA, Philippines - Bago pa man maaresto ay nagpiyansa na agad sa Sandiganbayan ang abogado ni dating PNP Director for Comptrollership Eliseo dela Paz at asawa nito dahil sa pagdadala ng malaking halaga ng salapi na isang paglabag sa batas.
Ayon kat Atty. Noel Malaya, abogado ni dela Paz, bukod sa kasong paglabag sa Circular No. 507 ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay inayos na rin umano nila ang kasong paglabag sa Article 237 ng Revised Penal Code bunsod ng umanoy pananatili sa tungkulin ni dela Paz sa kabila ng mandatory retirement age na 56.
Umaabot sa P36,000 halagang piyansa ang inilagak ni Malaya sa Sandiganbayan kahapon ng umaga para sa mag-asawang dela Paz. Tig-P15,000 ang piyansa ni dela Paz at asawang si Maria Fe at P6,000 namang piyansa para sa kasong pananatili ni dela Paz sa puwesto kahit retired na.