Bedol pinakakasuhan ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Inirekomenda ni Deputy Ombudsman for Mindanao Humphrey Monteroso ang pagsasampa ng kaso kay dating Comelec Provincial Election Officer Lintang Hasim Bedol makaraang makakita ng basehan na nagdiin dito sa kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practice na may kinalaman sa iregularidad noong May 2007 elections.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Atty. Ferdinand T. Rafanan, hepe ng Law Department ng Comelec matapos akusahan si Bedol ng illegal na pagsusumite dito ng lahat ng kopya ng Municipal Certificate of Canvass (MCOC), Election Returns (ER), Statement of Votes (SOV) at Summary Statement of Votes (SSOV) mula sa lahat ng presinto ng bayan ng Maguindanao na nagmula sa resulta ng local at national positions sa nagdaang May 14, 2007 elections.
Ani Rafanan, hindi na nila makita ngayon ng mga opisyal ng Comelec bagamat ito ay dapat na nakalagak sa naturang ahensiya para sa safekeeping.
Bunsod nito, ang resulta ng mga boto mula sa lalawigan ng Maguindanao ay hindi na-transmit sa Comelec dahilan para maapektuhan ang canvassing ng mga balota para sa Senatorial at party-list candidates at nakapagbigay ng pangit na imahe sa ahensiya. P30,000 ang inerekomendang piyansa ng Ombudsman para kay Bedol hinggil dito.
- Latest
- Trending