Zaldy ibalik sa selda!

MANILA, Philippines - Inutos kahapon ng Ma­lacañang na agad ibalik sa kulungan si da­ ting Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan, isa sa pangunahing suspek sa Maguindanao massacre, na naka-confine ngayon sa Philippine Heart Center (PHC) dahil sa umano’y heart failure.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin La­cierda, hindi awtorisado ang confinement ni Zaldy sa PHC dahil ang pinayagan lang ng korte ay hospital visit at hindi dapat mag-overnight.

Bunsod nito, pinagpa­paliwanag ni DILG Secretary Jesse Robredo ang Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) dahil sa ginawa nilang paglabag sa utos ng korte matapos payagan na mag-stay si Ampatuan sa Heart Center ng overnight.

Naniniwala din si La­cierda na puwedeng ga­win ang check-up kay Am­patuan sa loob ng kanyang selda at hindi na kailangang magpa-confine pa sa ospital.

“Ang alam ko ay diabetes lamang naman ang kanyang sakit at puwedeng gawin ang check-up sa kanya sa selda,” giit pa ni Lacierda.

Nilinaw din ng Palasyo na ang korte ang nagbigay ng pahintulot kay Ampa­tuan na madala sa ospital upang magpatingin at walang kinalaman dito ang Malacañang.

Samantala, binebe­ripika na rin ni Justice Secretary Leila de Lima kung ang Dr. Danny Ku­izon na nagbigay ng ser­tipikasyon na dapat manatili sa ospital ang dating gobernador ay mula sa pribadong sektor o doktor ng gobyerno.

Nais din ng pro­se­kusyon sa Maguinda­nao massacre case na linawin ng korte ang kahulugan ng pagiging out-patient.

Ayon kay de Lima, iginigiit ng hanay ng pro­sekusyon na mabigyang linaw ng korte ang depi­nisyon ng out-patient ba­gamat sa sarili umano niyang pagkakaunawa, kapag out-patient ay ki­na­kailangan ding ma­iba­lik ng ospital matapos ma­suri.

Samantala, sinabi ni Atty. Harry Roque, abogado ng mga biktima ng Maguindanao masaker, hindi nila tinututulan na maipagamot si Zaldy kung totoo itong may ka­ramdaman, subalit na­nga­ngamba umano sila na bahagi lamang ito ng estratehiya ng mga Ampatuan para matakasan ang kaso.

Habang isinusulat ang balitang ito ay pi­na­yagan na ni QC Judge Solis Reyes na ma-con­fine si Zaldy, subalit ka­ilangang maibalik sa BJMP bago mag-alas-12 ng tanghali ngayong araw.

Show comments