^

Bansa

Zaldy na-ICU!

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dinala kahapon sa Philippine Heart Center si Zaldy Ampatuan, isa sa pangunahing suspek sa Maguindanao massacre, kung saan naka-confine ito ngayon sa intensive care unit (ICU) ng ospital matapos umanong makitaan ng butas sa puso.

Alas-12:30 ng tang­ha­li kahapon nang samahan ng mga pulis-QC at PNP mula Camp Bagong Diwa Taguig si Ampatuan makaraang payagan ni Quezon City Judge Jo­celyn Solis-Reyes ng Regional Trial Court Branch 221 ang kahilingan ni Zaldy na makapagpatingin sa PHC dahil sa kanyang diabetes at coronary diseases.

Gayunman, dahil sa hinalang may butas ang ugat ng kanyang puso kaya bandang 3:30 ng hapon ay dinala ito sa ICU para isailalim sa angiogram..

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Manuel Chua Chiaco, director ng PHC, bagamat may utos ang QC court na isailalim lamang sa check-up si Zaldy, ang pamamalagi nito ay dedepende umano sa rekomendasyon ng tumitingin sa kanyang cardiologist na si Dr. Danny Quizon.

“Pag dinala dito ang pasyente na sasailalim sa angiogram, hindi yan hang­gang mamaya o hanggang bukas yan, malamang abutin yan dito ng hanggang Biyernes depende sa resulta ng kanyang angiogram,” pahayag ni Chua Chiaco.

Sinabi pa nito na kapag natiyak na talagang may butas ang ugat sa puso ni Zaldy ay dadaan ito sa angioplasty kaya maaari itong ma-confine. 

Si Zaldy ay unang tinanggihan ng St. Lukes Hospital sa Global City, Taguig para magpa-check up dahil sa usaping seguridad.

vuukle comment

CAMP BAGONG DIWA

CHUA CHIACO

DR. DANNY QUIZON

DR. MANUEL

GLOBAL CITY

PHILIPPINE HEART CENTER

QUEZON CITY JUDGE JO

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SI ZALDY

ST. LUKES HOSPITAL

ZALDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with