^

Bansa

Caloocan Mayor Echiverri, sinuspinde ng Ombudsman

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng anim na buwan ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro si Caloocan City Mayor Enrico R. Echiverri dahilan sa umano’y hindi nito pag­reremit ng mahigit sa P38 milyon kontribusyon sa GSIS ng mga tauhan nito.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo na isinampa sa Ombudsman ni Caloocan Vice-Mayor Edgar R. Erice na nagsabing mula Hulyo 1997 hanggang Disyembre 2002 at Enero 2007 hanggang Disyembre 2010 ay hindi nai-remit ni Echiverri sa GSIS ang contributions ng mga tauhan. Ito ay nakumpirma ni Robert G. Vergara, President at General Manager ng GSIS.

Sinasabing kahit na naabisuhan ng GSIS si Echiverri na magbayad ng obligasyon sa ahensiya, gayundin sina City Trea­surer Evelina M. Garma at City Budget Officer Jesusa Garcia ay patuloy na bigong tupdin ang direktiba ng naturang ahensiya.

Ang naturang pondo ay nakolekta na ng city govt. ng Caloocan mula sa mga tauhan nito sa naturang mga taon pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi naireremit sa GSIS dahilan upang mabulilyaso ang loans at benefits ng mga empleyado nito mula sa GSIS.

Agad na inatasan ni Ca­simiro si DILG Sec. Jessie Ro­bredo na ipatupad ang suspension order sa alkalde.

vuukle comment

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO R

CALOOCAN VICE-MAYOR EDGAR R

CITY BUDGET OFFICER JESUSA GARCIA

CITY TREA

DISYEMBRE

ECHIVERRI

EVELINA M

GENERAL MANAGER

JESSIE RO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with