Pastor nanawagan sa Simbahang Katoliko na tanggapin ang modernong pagmimina

MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang lider ng Evangelist Church sa liderato ng Simbahang Katoliko ng South Cotabato na maging bukas sa modernong paraan ng pagmimina alang-alang sa kapanibangan ng mga mamamayan.

Ayon kay Pastor Ben Barnuevo, dapat maging bukas ang isip ng Simbahan sa benepisyong maibigay sa South Cotabato ng Tampakan gold-copper project hindi

lamang sa lalawigan kundi maging sa pamahalaan. Inamin ni Barnueno, South Central Mindanao Ministry Director and South Mindanao District Minister for the Christian and Missionary Alliance Churches of the Philippines (CAMACOP), na mahirap iwasan ang benepisyo ng moderno ngunit responsableng pagmimina at mga produkto nito.

Ang CAMACOP ay kabilang sa pinakamalaking evangelical groups sa Pilip[inas na may nakatalang 2,917 lokal na simbahan sa buong Pilipinas.

Nanganganib ang Tampakan copper-gold project matapos magpasa ng environment code ang South Cotabato provincial government sanhi ng pagtutol  ng  Simbahan  sa lalawigan sa open pit mining me­thod na ipinatutupad sa buong mundo dahil pinakaligtas na paraan ng pagmimina.

“I recommend a review of the environment code and I hope they let us participate in the review”, sabi ni Barnuevo. “The South Cotabato Catholic Church just needs re-assurance that modern responsible mining exists.”

Bukod sa Tampakan project, naapektuhan din ang panukalang  coal mine project sa Tboli gayundin ang local quarrying industry sa buong South Cotabato sanhi ng

pagbabawal sa open-pit mining.   

Show comments