^

Bansa

31 OFWs pa sinibak sa Saudi

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - May 31 pang OFWs ang sinibak umano sa kanilang mga pinapasukang kumpanya bunsod sa umiiral na Saudization o nationalization sa Saudi Arabia.

Sa ulat na tinanggap ng Migrante Middle East, binigyan na ng termination notice ang mga Pinoy nurses na nagtatrabaho sa government at private hospitals sa Jeddah.

Mula sa nasabing bilang, 5 Pinoy nurse na nagtatrabaho sa Saudi Health Ministry at 15 pang OFWs na nagtatrabaho sa Saudi-German Hospital, pawang  sa Jeddah ay nakatanggap na ng kanilang termination notices.

Kabilang din sa mga tinanggal sa trabaho ay ang Pinoy engineer na si Edgar Ballentes, 49, ng Mandaluyong City at nagtatrabaho bilang Senior Mechanical engineer sa Riyadh na nakatanggap na ng termination letter noong Hunyo 29 na epek­tibo noong Hunyo 30.

Kahapon ay inilun­sad na ang ‘Sagip Migrante’ na naglalayong magbigay ng tulong sa mga nagigipit na OFWs na na-terminate o natanggal sa trabaho at iba pang problema sa kanilang trabaho at employer.

EDGAR BALLENTES

HUNYO

JEDDAH

MANDALUYONG CITY

MIGRANTE MIDDLE EAST

PINOY

SAGIP MIGRANTE

SAUDI ARABIA

SAUDI HEALTH MINISTRY

SAUDI-GERMAN HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with