^

Bansa

Lim may 'ban' order vs mga ahente ng punerarya

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagbigay ng direktiba si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa anim na city-run hospitals na pagbawalang tumambay o pumasok sa compound ng ospital ang mga ahente ng punerarya.

Ito’y matapos makatanggap ng ulat ang alkalde hinggil sa pagala-gala umanong mga ahente at nangungulit ng mga kaanak ng naghihingalo pa lamang na pasyente.

“Yang mga `yan, ang gawain eh magtatanong-tanong kung sino na ang malapit mamatay. Naghihingalo pa `yung kaanak, kinakausap na `yung pamilya,” ani Lim nang pulungin ang mga director ng Ospital Ng Maynila, Sta. Ana Hospital, Gat Andres Bonifacio Hospital, Ospital ng Tondo, Jose Abad Santos Mother and Child Hospital at Sampaloc Hospital.

May mga pagkakataon pa umano na sinasamantala ng mga ahente  ang pagdadalamhati ng pa­milya para papirmahin sa kanilang serbisyo.

“Iduduldol sa pa­mil­ya ng namatayan `yung kontrata at palibhasa tuliro `yung mga tao, pumi­pirma,” dagdag pa ni Lim.

Isa rin umanong ma­laking insulto sa mga doctor at hospital personnel ang ginagawa ng mga ahente dahil sinuman sa kanila ay masaya kung ta­­ gumpay at nakapagpa­galing ng pasyente kaysa sa mamatayan.

ANA HOSPITAL

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

IDUDULDOL

JOSE ABAD SANTOS MOTHER AND CHILD HOSPITAL

MANILA MAYOR ALFREDO S

OSPITAL NG MAYNILA

SAMPALOC HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with