Lani Mercado perfect attendance, Pacquiao pinakamaraming absent

MANILA, Philippines - Sa dinami-dami ng artistang Kongresista sa Kamara, tanging si Cavite 2nd district Rep. Lani Mer­cado lamang ang nakakumpleto ng attendance ng pagdalo sa session ngayong 15th Congress.

Sa inilabas na attendance records ng 15th Congress mula Hulyo 26, 2010 hanggang Hunyo 8,2011, walang iniliban si Mercado-Revilla sa loob ng 73 araw na session days ito ay sa kabila umano ng pagiging aktibo sa paglabas nito sa telebisyon.

Sumunod kay Mercado-Revilla si Ilocos Norte 2nd district Rep. Imelda Marcos na isang beses lamang lumiban.

Samantalang si Leyte 4th district Rep. Lucy Marie Torrez-Gomez ay tanging 69-araw lamang ang ipinasok sa kabuuang ses­sion days ng Kamara habang si Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao ang may pinakamaraming absent.

Sa 73 araw na sesyon sa Kamara ay 47 araw lamang dumalo dito si Pacquiao.

Kabilang naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa may 143 mambabatas na may kum­pletong attendance. Perfect atten­dance din ang mag-inang Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Camarines Sur Rep. Dios­dado Arroyo. (Gemma Garcia /Butch Quejada)

Show comments