Hustisya 'di paghihiganti habol ng Palasyo
MANILA, Philippines - Nakiisa ang Palasyo sa pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas na hindi dapat mabahiran ng paghihiganti ang paghahabol ng hustisya.
Magugunitang si nabi ng arsobispo na magbubunga lamang ng pagkawatak-watak ang political vendetta at lalo lamang magpapalala sa sugat ng lipunan.
Naniniwala din ang arsobispong malapit sa mga Aquino na hindi sapat sa isang lider ang integridad at kailangan din ng direksyon para maiangat ang buhay ng mga mamamayan.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala naman silang nakikitang problema sa pahayag ni Villegas dahil hustisya rin ang habol nila sa nakaraang administrasyon.
Ayon kay Valte, hindi naman maiiwasan ang mga kaso laban sa nakaraang administrasyon dahil kailangang may managot sa mga katiwalian.
- Latest
- Trending