Namfrel tetestigo sa dayaan sa 2007 polls
MANILA, Philippines - Handang lumantad at tumestigo ang National Citizen Movement for Free Election (Namfrel) sa gagawing pagbubulgar ni dating Maguindanao Election supervisor Lintang Bedol at dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan hinggil sa umano’y naganap na dayaan noong nakalipas na 2007 polls.
Sa ginanap na pulong Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Eric Alvia, secretary general ng Namfrel nakahanda silang humarap sa pagdinig na gagawin ng Kongreso para magbigay ng mga supporting documents.
Kung sakali umanong hihingin sa kanila ang mga dokumento ay nakahanda silang magkaloob bagama’t ilan sa mga election returns ay mahirap ng mapatunayan. Madami umanong records ang nawala na at mahirap ng makuha pa ng Namfrel.
Hiniling ni Alvia na huwag munang ibulgar ang mga pangalan ng kanilang volunteers na maaring magbigay din ng linaw kaugnay sa naganap na dayaan noong 2007 polls para mapangalagaan ang kanilang seguridad.
Gayunman, nakahanda silang tumestigo basta mabibigyan ng proteksiyon ang kanilang mga volunteers. (Doris Franche/Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending