Brutal na pamamaslang kinondena ng PNPAAAI
MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng Philippine National Police Academy Alumni Association Incorporated ang brutal na pamamaslang kamakailan kay P/ Supt. Rodney Ramirez ng Batangas Provincial Police Office sa Brgy. Butong Taal, Batangas.
Kasabay nito, sinabi ni Dial na handa ang PNPAAAI na magbigay ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon at makapagtuturo sa anim na suspect na bumaril at pumatay kay Ramirez.
Sa ginanap na board meeting, sinabi ni Jail Director Rosendo M. Dial at incumbent Chairman PNPAAAI Board, ang pamamaslang kay Ramirez ay indikasyon ng pagiging duwag ng mga salarin at isang hamon din sa kapulisan na mapanatili ang peace and order.
Ayon kay Dial, si Ramirez na isang magaling na opisyal ng Philippine National Police at miyembro ng PNPA Tagapagpatupad Class of 1992, ay matagumpay na nasugpo ang anti-drug operations at iba pang anti-criminality campaigns noong siya ang hepe ng Sta. Rosa City Police hanggang sa kanyang kasalukuyang puwesto bilang Batangas Provincial Intelligence Branch.
Nabatid pa kay Dial na matagal nang nakakatanggap ng pagbabanta si Ramirez mula sa mga sindikato na kanyang nasagupa.
“Supt. Ramirez is an example of courageous man who are true to his oath of service that he will do his duty as police officer whatever it takes even if it cause his life,” dagdag pa ni Dial.
- Latest
- Trending