Juico, sinuportahan sa paglinis sa PCSO
MANILA, Philippines - ?Sinuportahan ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (KKKK) ang aksiyon ni Philippine Charity Sweepstakes Office chair Margie Juico upang linisin ang ?ahensiya sa matagal nang sistema ng kurapsiyon.
Kasabay nito, kinondena ng KKKK ang labis na pakikialam ni dating PCSO chair Manuel Morato sa kasalukuyang pamunuan ng ahensiya na ipinipilit ang lahat ng? gusto nito kahit may bahid ng katiwalian.
Ayon kay Dominador Pena, Jr., masyadong kaduda-duda ang motibo ni Morato na pinipilit ang kasalukuyang pamunuan ng PCSO na magbalik sa dating Quezon Institute kahit kondenado na ang gusali at mapanganib sa buhay ng mga kawani ng ahensiya.
“Malaki ba ang nawala kay Morato kaya ipinipilit ang kasunduang nilagdaan noong panahon niya?” tanong ni Pena. “Kung makasaysayan man ang gusali ng QI para sa kanya, bakit hindi niya upahan at gawing museo ng kanyang mga koleksiyong antigo at paintings?”
Ayon sa KKKK, dapat nang kasuhan ng plunder ang dating opisyales ng PCSO na kinabibilangan ni Morato dahil sa maling paglustay sa pera ng bayan na lihis sa layunin ng ahensiya.
Naniniwala rin ang KKKK na lumabag sa Konstitusyon ang donasyong sasakyan ng nakaraang pamunuan ng PCSO lalo’t ginamit ang mga ito sa panrelihiyong layunin dahil magkahiwalay ang Estado at Simbahan.
“Hindi komo’t isinoli ng mga Obispo ang donasyong sasakyan ay wala na silang kasalanan at walang anumang pananagutan sa batas,” giit ng KKKK. “Kung nangyari ?iyan sa ibang relihiyon ay tiyak na ititiwalag na ang mga Obispong tumanggap o nanghingi ng donasyon sa Estado.”
- Latest
- Trending