^

Bansa

PNoy 'di magso-sorry sa mga Obispo

- Ni Rudy Andal/Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Pa­ngulong Aquino na hindi niya kailangang humingi ng paumanhin gaya ng nais ng mga Obispo na nakaladkad sa SUV isyu.

Sinabi ng Pangulo sa media interview, hindi naman ang Palasyo ang nasa likod nito kundi ibinase lamang ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang ginawang ulat sa COA report.

Paliwanag ni Aquino, binubusisi ng kasaluku­yang PCSO ang mga dokumento ng nakalipas na administrasyon ng matuklasan nilang may P3 bil­yong utang ang ahensiya sa ibat ibang government hospitals na naging dahilan upang tanggihan na ang mga guarantee letters na ibinibigay nila sa mga pasyente.

Sinabi rin ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., na hindi na kailangan pang humingi ng ‘public apology’ si Aquino dahil ang mga ito naman umano ang nanghingi ng mga sasakyan.

Sabi ni Belmonte, ang kahilingan ni Arch­bishop Jose Collin Bagaforo ng Cotabato ay wala sa ayos dahil sila mismo ang tumanggap ng donasyon galing sa pondo ng PCSO.

Bukod kay Bagaforo humihingi rin ng public apology sina Elenito Galido ng Iligan, Arturo Bastes ng Sorsogon at Dinualdo Gutierrez ng Marbel.   

AQUINO

ARTURO BASTES

BAGAFORO

BELMONTE

DINUALDO GUTIERREZ

ELENITO GALIDO

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

JOSE COLLIN BAGAFORO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with