^

Bansa

Sen. Zubiri aalis sa Senado kung...

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Handa si Senator Juan Miguel Zubiri na umalis sa Senado kung mapapatunayang nakinabang siya sa sinasabing da­yaan noong 2007 sena­torial elections.

Sa isang press conference sa Senado, sinabi ni Zubiri na wala siyang kinausap upang bigyan siya ng pabor sa bilangan kung saan nanalo siya sa ika-12 puwesto na kinuwestiyon naman ni Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III na pang-13.

Sentimyento pa ni Zubiri mas pinagtutuunan ng pansin at nalalagay sa mga pahayagan ang sinasabing dayaang nangyari sa Mindanao pero hindi nababalita ang da­yaang nangyari sa Metro Manila.

Umaabot umano sa 930 boxes o 186,000 ballots ang walang laman na nadiskubre nila sa kaniyang counter protest.

Sa kanilang pagbi­bi­lang, lumalabas na na­biktima rin umano siya ng pandarayang nangyari no­ong 2007 elections.

Idinagdag ni Zubiri na dapat tapusin na muna ang pagbibilang ng Se­nate Electoral Tribunal ng mga boto sa Metro Manila at kung hindi umano makahabol ang kaniyang boto ay bababa siya sa puwesto.

Inaasahan umanong matatapos ng SET ang pagbibilang sa Setyembre 2011.

Mismong ang legal team na umano ni Zubiri ang humiling sa SET na bilisan ang proseso upang makita na kung sino talaga ang dapat ma­upo sa pang-12 puwesto.

vuukle comment

ELECTORAL TRIBUNAL

HANDA

IDINAGDAG

INAASAHAN

METRO MANILA

SENADO

SENATOR JUAN MIGUEL ZUBIRI

SHY

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with