11,000 pamilya nabiyayaan ng CMP sa Caloocan

MANILA, Philippines -  Lubos na kaligayahan ang naramdaman ng 11,000 pamilya na nabiyayaan ng community mortgage program (CMP) na ibinigay sa mga piling residente ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri simula ng manungkulan itong alkalde ng lungsod noong 2004. 

Ayon kay Echiverri, ang mga pamilyang nabiyayaan ng CMP ay pinili base na rin sa estado ng pamumuhay ng mga ito bukod pa sa pagiging lehi­timong residente ng lungsod.

 Kabilang sa mga malalaking CMP projects ng lokal na pamahalaan ay ang Villa Alicia Housing Projects, Reform 167 Housing Projects, Reform 168 Housing Projects at iba pa.

 Napag-alaman din na noong Marso ng kasalukuyang taon nang ganapin ang Gawad Kalinga (GK) Builders’ Night sa Rockwell Tent, Makati City kung saan ay nakipagtulungan ang administrasyon ni Echiverri upang mapatayuan ng bagong bahay ang mga nasunugan sa Malaria.

 Bukod sa bagong bahay na itinayo sa mga nasunugan sa naturang lugar ay sinikap din ni Echiverri na maibigay na sa mga residente ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.

 Dahil dito, hindi na nangangamba na mapa­alis ang mga residente sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay dahil pag-aari na ng mga ito ang lupang tinatayuan ng kanilang tinitirhan.

Show comments