MANILA, Philippines - Inilagay na ngayon sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) sina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte at dating PR manager Manuel Garcia na kapwa iniuugnay sa umano’y iligal na paglalabas ng pondo ng PCSO na aabot sa P325 million bilang bahagi ng intelligence fund.
Sa dalawang pahinang kautusan ni Immigration acting associate commissioner Abdullah Mangotara, inatasan na nito ang lahat ng BI officers sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) at maging sa lahat ng pantalan sa bansa na huwag payagang makalabas ng Pilipinas sina Uriarte at Garcia ng walang travel clearance mula kay Justice Secretary Leila de Lima.
Ang watchlist order ay magiging epektibo sa loob ng dalawang buwan maliban na lang kung bawiin o palawigin ng kagawaran.