^

Bansa

P225M budget para sa bagong classrooms

-

MANILA, Philippines - Naglaan ng P225 million budget para sa pagtatayo ng mga bagong silid-aralan si Valenzuela City Mayor Sherwon Gatchalian bilang bahagi ng pag-aayos sa sistema ng edukasyon sa lungsod.

Ayon kay Gatchalian, mas komportable ngayon ang mga mag-aaral ng anim na pampublikong paaralan ng lungsod matapos maitayo ang 50 bagong silid-aralan kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong taon.

Sa ulat ng City Engineering Office, tinatayang aabot sa P77,513,006.97 ang pondong ginugol ng Local School Board (LSB) para matapos ang mga proyekto.

Karagdagang 49 silid-aralan pa ang agad ipinatayo at malapit nang matapos upang matugunan ang pa­ngangailangan ng lumalaking bilang ng mga mag-aaral sa lungsod.  

Ang mga konstruksyon ay tugon ng Lungsod upang maibaba ang student-to-classroom ratio sa pamantayang 45:1 para sa elementarya at 50:1 para sa sekondarya. Ang Lungsod ay kasalukuyang may ratio na 48:1 para sa elementarya at 54:1 naman para sa sekondarya.

Mas mababa ito kumpara sa average na 85:1 ratio sa buong National Capital Region (NCR).

Nangako si Gatchalian na ibibigay ang dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagtuon sa mga proyektong imprastraktura na magpapatibay sa kapasidad ng Lungsod na mapagsilbihan ang mga mag-aaral na Valenzuelano.

ANG LUNGSOD

AYON

CITY ENGINEERING OFFICE

GATCHALIAN

LOCAL SCHOOL BOARD

LUNGSOD

NATIONAL CAPITAL REGION

VALENZUELA CITY MAYOR SHERWON GATCHALIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with