Hukom pinag-iinhibit sa PIATCO case

Manila, Philippines - Nanindigan ang Philippine International Air Terminals Company (PIATCO) sa kahilingan nito na mag-inhibit sa kaso ang hukom ng Pasay City Regional Trial Court na may hawak ng kaso ng “expropriation” o paghingi ng kompensasyon sa iregularidad ng konstruksyon ng Ninoy Aquino International Airport terminal 3.

Naghain ang PIATCO ng 13-pahinang “motion for inhibition” laban kay Judge Eugenio dela Cruz ng Branch 117 sa Pasay City RTC dahil nagdesisyon ito ng taliwas sa rekomendasyon ng “3-man technical commission” na binuo ng Supreme Court para sa kung magkano ang dapat na bayaran ng pamahalaan sa usapin ng “just compensation”.

Base sa rekomendas­yon ng “3 man technical commission”, mahigit US$376 milyon na danyos ang dapat na ibayad sa PIATCO pero tanging US$176 milyon lamang ang ipinag-utos ng hukom na bayaran ng pamahalaan.

Sinabi rin ng consortium na nagulat sila sa naturang desisyon kung saan hindi man lamang umano sila pinadalhan ng kopya nito ng korte.

Show comments