MANILA, Philippines - Iginiit ng Palasyo na ang sumobrang P37 milyon sa campaign fund ni Aquino ay isinauli na ng Pangulo sa mga donors nito.
Sinabi ni Pangulong Aquino, batid ng Pangulo na ang donasyon para sa kampanya ng tambalang Aquino-Roxas ay para sa pangangampanya at hindi para sa personal kaya ang anumang sumobra ay dapat lamang isauli.
Wika ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, si Pangulong Aquino ang kauna-unahang kandidato sa nakaraang May 2010 polls na nagsumite ng kanyang campaign expenditures sa Commission on Elections. Inulat din ni Aquino sa Comelec na sumobra ang kanyang campaign fund.
Ayon kay Valte, ang iba sa mga sumobra sa pondo nito sa eleksyon ay naisauli na sa mga donors habang ang iba ay nasa proseso na upang maibalik ito sa mga nagbigay ng donasyon.