'Paracetamol' ako ni PNoy - Mar Roxas

MANILA, Philippines - Inaasahan ni bagong DOTC Sec. Mar Roxas na siya ang magiging ‘paracetamol’ ni Pangulong Benigno Aquino III matapos siyang pormal na manumpa bilang DOTC chief kahapon.

Sinabi ni Sec. Roxas, sana ay maging paracetamol siya ni Pangulong Aquino sa kanyang administrasyon.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Aquino na mayroong 2-3 miyembro ng Gabinete ang kanyang ‘sakit ng ulo’.

Sa panunumpa ni Roxas ay naroroon ang maybahay na si broadcaster Korina Sanchez, ina na si Judy Araneta-Roxas at nag-iisang anak na si Paolo.

Bukod kay Roxas, nanumpa din kay Aquino si BSP Governor Amado Tetangco na muling itinalaga ng Pangulo sa 6-taong termino.

Show comments