^

Bansa

Bayan sa Zambo Sur naging 'war zone'

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Naliligalig ngayon ang mga residente ng Bayog, Zamboanga del Sur dahil sa nakakalat na armadong private army na dineploy umano ng isang pribadong security agency na upahan ng isang maining firm na pumalag matapos pagbawalan sa ilegal na operasyon.

Ayon sa Mayor ng ba­yan na si Leonardo Rabasa Jr., mistulang “war zone” ang munisipalidad dahil ilegal na naglagay ng mga checkpoints sa lugar.  

Dahil dito, nanga­ngamba ang lokal na pa­mahalaan sa pagdagsa ng mga tribong Subanen na nakatira sa paligid ng illegal na pagmimina ng Lupa Pigegetawan Mining Co. Dahil dito, humihingi ng tulong sa National Government ang naturang bayan upang mahinto na ang pangha-harass sa kanila ng security firm ng kum­panya. Sinasabing ang security firm ay pagmamay-ari ng isang retiradong PNP official.

Ayon sa alkalde, naka­babahala ang kaguluhan dahil ang mga security personnel ay armado diumano ng mga matataas na kalibre ng baril katulad ng M-16 matapos kumpiskahin ang kanilang AK-47.

Kinondena ni Zambo­anga del Sur Rep. Antonio Cerilles ang illegal na operasyon ng Lupa Pige­getawan matapos mag­reklamo ang mga katutubong Subanen sa epekto nito sa kanilang ancestral domain. Ayon sa Indige­nous Peoples Rights Act (IPRA), hindi dumaan sa proseso ng pag-apruba ang nasabing minahan lalo na sa katutubong Subanen.

Wala ring mga kaukulang permit at dokumento ang Lupa Pige­getawan upang magsa­gawa ng ope­rasyon sa lugar.

Nagsimula nang mag-evacuate ang mga Suba­nen mula sa kabundukan na siya ngayong nagkakampo sa bayan. Noong nakaraang Abril, ang Mines and Geo-Science Bureau (MGB) na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Environment and Natural Resources ay nagsagawa ng raid sa isang illegal mining firm sa Bayog, Zamboanga del Sur upang i-enforce ang Cease and Desist Order na nauna na nitong ibinigay.

Kasama ng MGB sa pag-raid sa Lupa Pige­getawan Mining Company, Inc. ang mga operatiba ng PNP, AFP, mga local at barangay officials na kaagad namang ipinasara.

Ang bayan ng Bayog ay isa umanong lugar na mayaman sa iron ore at ginto.

Ngunit sa kabila ng closure order ay muli na namang nagpatuloy ng operasyon ng Lupa Pigi­ getawan na siya naman naging sanhi ng tension sa pagitan ng mga naninirahang tribu ng Subanen at mga armadong grupo.

Inamin ni MGB Director for Western Min­da­­ nao Albert Johann Jacildo na nagpatuloy nga ang Lupa Pigigetawan ng ka­nilang operasyon sa kabila ng kanilang CDO.

ALBERT JOHANN JACILDO

AYON

BAYOG

CEASE AND DESIST ORDER

DAHIL

LUPA PIGE

SHY

SUBANEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with