^

Bansa

$400 minimum wage sa OFWs sa Saudi pinanindigan

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng banta nang pagpapatupad ng “Saudization policy” sa Saudi Arabia, nanindigan kahapon ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa posisyon ng Pilipinas na panatili­hing $400 (P17,200) minimum salary ang dapat tanggapin ng mga overseas  Filipino workers sa nasabing bansa.

Sa ilalim ng Saudization, ang mga Saudi nationals na ang bibigyang prayoridad ng gobyerno ng Saudi na ma­bigyan ng trabaho habang ang mga OFWs o iba pang foreign workers na nanatili at nagtrabaho sa Saudi ng anim na taon ay hindi na mabibigyan ng work visa.

Ipinatupad ng Saudi Labor Ministry ang nasabing polisiya noong Sabado at nagpadala na umano ng isang “note verbal” sa Department of Foreign Affairs na nagbibigay abiso sa kanilang labor policy.

Sa kabila nito, iginiit ng Embassy na ang minimum wage ng mga OFWs sa Saudi ay nakasaad sa “terms and conditions” ng  Household Service Workers (HSWs) Reform Package na siyang sinusunod sa labor department na ipinatuapd pa noong 2007.

Nais ng Saudi government na mula sa $400 ay bababaan nila ng $240 minimum salary kada buwan ang tatanggaping sahod ng mga HSWs.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

HOUSEHOLD SERVICE WORKERS

IPINATUPAD

PILIPINAS

REFORM PACKAGE

SAUDI

SAUDI ARABIA

SAUDI LABOR MINISTRY

SAUDIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with