^

Bansa

Phaseout ng plastic bag itutulak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Itinutulak ng mga environmentalist ang total phaseout sa mga plastic bag sa bansa na nagdudulot ng masamang epekto sa ating kalikasan at kapaligiran.

Sa pagdiriwang kahapon ng International Plastic Bag-Free Day na inilunsad sa Quezon City memorial circle, nanawagan din ang grupo ng batas na magbibigay karapatan para mabawasan ang naturang basura at magtataguyod sa paggamit ng organic reusable bags.

Ayon kay EcoWaste Coalition president Roy Alvarez, batid nilang ginagawa naman ng mga mambabatas ang kanilang tungkulin na kanilang pinasimulan para maging matibay na batas ang pagbabawal sa paggamit ng plastic sa bansa.

Nagbabala rin ang grupo hinggil sa pagpapakalat ng tinawag na “biodegradable” plastics na lumabas anya sa pagsusuri na kahit nadegrade na ang naturang materyales sa loob ng dalawa o limang taon, ang biodegradability nito ay nanatiling hindi malinaw.

Kaya naman nanatili ang problema sa dalawang klase at ito ay ang pagkakalat at patuloy na produksyon ng plastic waste.

Sa kasalukuyan ay may 10 siyudad at munisipalidad na ang nag-ban sa paggamit ng plastic bags at may 10 pa ang nagpo-propose ng ganitong babala.

vuukle comment

AYON

INTERNATIONAL PLASTIC BAG-FREE DAY

ITINUTULAK

KAYA

NAGBABALA

PAGGAMIT

PLASTIC

QUEZON CITY

ROY ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with