^

Bansa

Mga kongresistang 'naambunan' ng PCSO handang magpagisa

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Handang humarap sa isasagawang imbestigasyon ang mga kongresistang sinasabing nakatanggap ng ‘donasyon’ mula sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na nakakuha raw ng P5 milyon, pauunlakan niya ang pagsisiyasat sa naturang usapin pero iginiit na hindi naman siya personal na nakinabang sa pera. Sa katunayan, sa P5 mil­yon, sinabi ni Rodriguez na P1.5 million ang kanyang natanggap na ginamit naman para sa dalawang ospital sa kanyang distrito.

Sa panig naman ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, hindi aniya labag sa batas ang pagkakaloob ng PCSO ng budget para sa charity work.

Ipinagdiinan din ni Quezon Rep. Danilo Suarez na wala siyang napakinabangan “ni-isang-kusing” mula sa perang ipinamahagi sa mga kongresista, at sa halip napunta ito sa kanilang mga constituents.

Bukod kina Rodriguez, Antonino at Suarez, naambunan din umano ng donasyon sina Camarines Sur Rep. Diosdado Arroyo, Negros Oriental Rep. George Arnaiz; Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado; dating Bulacan Rep. Lorna Silverio at dating North Cotabato Rep. Emmylou Talino Mendoza.

Sisimulan na ng Senate blue ribbon committee ang imbestigasyon kaugnay sa kontrobersyal na donasyon sa darating na Miyerkules.

BULACAN REP

CAMARINES SUR REP

DANILO SUAREZ

DIOSDADO ARROYO

EMMYLOU TALINO MENDOZA

GEORGE ARNAIZ

LORNA SILVERIO

NEGROS ORIENTAL REP

NORTH COTABATO REP

NUEVA ECIJA REP

REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with