^

Bansa

Pagdemolis sa mga kabahayan inutos ng korte

- Ni Angie dela Cruz -

Manila, Philippines - Pinagigiba ng Quezon City Regional Court ang ilang kabahayan sa Barangay Pasong Putik,Quezon City matapos katigan ng korte ang pagpapalabas ng demolition order sa mga naturang istraktur.

Sa 2-pahinang kautusan ni Pairing Judge Santiago M. Arenas ng QC Regional Trial Court Branch 218, iniutos nito ang pag-demolish sa mga kinatitirikang kabahayan sa isang lugar sa Bgy. Pasong Putik.

Ang kautusan ng korte ay matapos katigan ang inihaing petisyon ng 101 Planners and Developers Corp. na nagma-may-ari ng naturang lupain mula sa abogado nito na si Atty. Jacqueline C. Moralde para i-demolis ang nasabing istraktura.

Iniutos din ng korte ang pagbibigay ng police assistance ng Philippine National Police (PNP), barangay officials na siyang nakakasakop sa lugar para sa pagpapatupad ng naturang kautusan ng korte.

Nitong Mayo 27, 2011 nagpalabas ng notice para boluntaryong lisanin ng mga naninirahan ang kanilang mga itinayong istraktura sa 101 Property Planners  and Developers Corp. subalit ilan umano sa mga ito ay tumangging lisanin ang kanilang mga kabayahan dahilan para magpalabas ng demolition order ang korte.

Kaugnay nito inatasan din ng korte si Sheriff IV, Raymond Buenaventura na siyang Special Sheriff na siyang magpapatupad ng Alias writ of possession na inihain ng petitioner para sa pagpapatupad ng naturang kautusan.

Ayon sa korte ang pagdemolis ay ipapatupad sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang naturang kautusan.

BARANGAY PASONG PUTIK

DEVELOPERS CORP

JACQUELINE C

KORTE

NITONG MAYO

PAIRING JUDGE SANTIAGO M

PASONG PUTIK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PLANNERS AND DEVELOPERS CORP

PROPERTY PLANNERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with