^

Bansa

'Life' sa 19 Sayyaf kinatigan ng SC

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Kinatigan ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Court of Appeals na pagpapataw ng habambuhay na pagkabilanggo sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na sina Khadafy Janjalani, Aldam Tilao at 17 iba pa noong Nobyembre 2008.

Ito’y bunsod ng pagdukot sa mga nurse na sina Ediborah Yap, Sheila Tabunag at Reina Malonzo at sa hospital accountant na si Joel Guillo noong Hunyo 1, 2001 sa Jose Maria Torres Memorial Hospital sa Lamitan, Basilan.

Sa 14-pahinang desisyon ni Associate Justice Diosdado Peralta, mas pinaboran ng SC ang positibong pagkilala ng mga testigo sa mga nasabing akusado kaysa sa pagtanggi at alibi ng mga akusado alinsunod na rin sa umiiral na jurisprudence o nauna nang kautusan ng Korte Suprema.

Nakasaad din sa nasabing desisyon na nabigo ang mga akusado na magharap ng sapat na ebidensya na magpapatunay na imposible para sa kanila na maging physically present sa pinangyarihan ng krimen nang iyon ay maganap.

Sa naunang desisyon ng CA, pinatawan nito ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang mga akusado matapos mahatulan ng guilty sa kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom.

ABU SAYYAF

ALDAM TILAO

ASSOCIATE JUSTICE DIOSDADO PERALTA

COURT OF APPEALS

EDIBORAH YAP

JOEL GUILLO

JOSE MARIA TORRES MEMORIAL HOSPITAL

KHADAFY JANJALANI

KORTE SUPREMA

REINA MALONZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with