SMS Reporting System, bike for peace ng PNP at AFP inilunsad
Manila, Philippines - Inilunsad ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang SMS Reporting System at bike for peace, kahapon ng umaga.
Ang programa ay may layuning paigtingin ng pulisya at military ang pagtugis sa ibat-ibang criminal elements sa tulong ng lahat ng mamayan na may cellphone upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bansa.
Si P/Dir Jaime Calungsud ng PNP Directorate for Integrated Police Operation sa Visayas region at Maj.Gen. Ralph Villanueva, Commander ng AFP’s Central Command at iba pang matataas na opisyal ng PNP at AFP ang nanguna sa paglulunsad ng programa.
Namigay ng SMS Volunteers ID at mga pulyetos ang dalawa na nakasaad kung papaano madaling matawagan o kaya’y mai-text ang ibat-ibang tanggapan ng pulisya at military para ireport ang ano mang kaganapan sa isang lugar na kailangan ang tulong at presensiya ng PNP at AFP.
Nagbisikleta din ang dalawang opisyal kasama ang mahigit sa 100 bikers para sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.
- Latest
- Trending