Manila, Philippines - Magdaragdag ng prosecutors ang tanggapan ng Ombudsman para sa Office of the Special Prosecutor (OSP) , ang prosecutorial arm ng Ombudsman.
Ayon kay Acting Ombudsman Orlando Casimiro, 171 ang kabuuang bilang ng mga tauhan sa OSP pero 59 lamang dito ang prosecutors na humahawak ng paglilitis sa mga kasong naisasampa nila sa Sandiganbayan.
Sinabi ni Casimiro na kailangang dagdagan ang prosecutors ng OSP para mapalakas ang kakayahan ng tanggapan at tumaas ang kanilang conviction rate.
Ang OSP ay matatandaang sumabit sa kontrobersiya sa kuwestyonableng plea bargain agreement kay dating Major Gen. Carlos Garcia.