MANILA, Philippines - Inerekomenda ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro ang pagsasampa ng kasong plunder kay dating Agriculture Secretarty Luis Ramon “Cito” P. Lorenzo, Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante, Assistant Secretary Ibarra T. Poliquit at iba pang matataas na opisyal ng Department of Agriculture kaugnay ng P728 Milyong Fertilizer Fund Scam.
Ito ay makaraang makakita si Casimiro ng probable cause para idiin sa kaso ang mga nabanggit na umano’y nagsabwatan kaugnay ng naturang anomalya.
Ang mga nabanggit ay nagsumite din ng kani-kanilang motion for reconsideration pero pawang inisnab lamang ni Casimiro.
Samantala, inerekomenda din ng Ombudsman na kasuhan ng kriminal si Bataan Governor Enrique Garcia dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng gobernador sa patrol boat na nagkakahalaga ng P142, 000 noong 2005.