Magkaisa! - PNoy

MANILA, Philippines - Muling nanawagan si Pangulong Noynoy Aquino ng boluntaryong pakikiisa ng samba­ya­nang Pilipino sa ilalim ng  “Pilipinas Natin” cam­paign program para sa ikauunlad ng bansa.

Sa kanyang Ulat sa Bayan kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City para sa unang taong panunungkulan, sinabi ng Pangulo na ang Pilipinas Natin ay sumasakop sa kahala­gahan ng pagtutulu­ngan ng lahat ng Pilipino saan man siya galing at grupong kinaaaniban upang tumatag at mapahusay ang responsibili­dad ng bawat isa at mag­silbing pundasyon sa pag-unlad ng bawat ma­mamayan.

Ayon sa Pangulo, mula nang mailuklok sya sa puwesto, nagkaroon na ng kumpiyansa ang taong-bayan sa gobyerno at nagkaisa. Napakarami na rin ang gustong ma­ki­bahagi sa pagbabago hindi tulad ng dati na walang pakialam at ma­rami aniya ang naniniwala sa daang-matuwid na isinusulong ng kanyang administrasyon.

Ayon pa sa Pangulo, unti-unti ng nakikita ang liwanag na kanyang ipi­nangakong tuwid na daan noong unang araw na umupo sa puwesto.

Sa taong 2013 ay hindi na aangkat ng bigas ang gobyerno sa ibang bansa dahil supisyente na ang ani ng mga magsasaka bunsod ng mga inilatag na programa ng Department of Agriculture.

Ang suweldo ng mga kawani ng gobyerno ay unti-unti na umanong nai-aangat sa bisa na rin ng isinusulong na salary standardization law.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo, sa unang taon ng kanyang panunungkulan ay marami na uma­­nong nagawa ang kanyang gobyerno, tulad ng pabahay, bigas, salbabida para sa mga nalulunod na sa kahi­rapan.

Inihayag din niya ang paglulunsad sa Philippine Development Plan para sa taong 2011-2016.

Samantala, ang Asenso Para sa Lahat ay lilikha ang pamahalaan ng dagdag na mga trabaho, educational reform at comprehensive social welfare gayundin ng pagpapatupad ng mga deve­lopment programs upang matiyak ang pag­lago ng ekonomiya ng bansa.

Tinuran din ng Presidente na hanggang nga­yon ay taong bayan pa rin ang kanyang lakas at mananatiling boss niya sa kanyang panunungkulan. 

Show comments