Lolong OFW nakaligtas sa kamatayan

MANILA, Philippines - Isang lolong Overseas Filipino Worker (OFW) ang nakaligtas sa kamatayan makaraang mawalan ng malay at bumagsak sa sahig ng departure lobby ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Sabado ng gabi.

Binigyan ng kaukulang lunas si Noel Rodriguez Malicay, 55, na aalis sana papuntang Dubai.

Ayon sa mga medical doctor na umasikaso kay Malicay, nasa zero blood pressure at pulse rate ito ng lapatan nila ng lunas.

Isinailalim nila si Malicay sa automated external defibrillator (AED) ng anim na beses at nang magbalik ang kanyang ulirat ay itinakbo ito sa San Juan de Dios hospital.

Show comments