^

Bansa

Michael Ray Aquino itutumba

- Nina Ludy Bermudo, Rudy Andal at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nangangamba si dating Police Senior Superintendent Michael Ray Aquino na isusunod siyang itutumba kasunod ng pagbalik niya sa Pilipinas mula sa maraming taong pagtatago sa United States.

Dahil dito, pormal na hiniling ni Aquino sa Manila Regional Trial Court Branch 18 na payagan siyang manatili sa panga­ngalaga ng National Bureau of Investigation.

Kabilang si Aquino sa idinadawit sa pagdukot at pagkakapaslang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong taong 2000.

Sinabi ng abogado ni Aquino na si Simonette Sibal Pulido na hinihiling nilang manatiling nakakulong ang kanyang kliyente sa NBI sa halip na ilipat sa Manila City Jail na naunang inirekomenda ni Department of Justice Secretary Leila de Lima.

Inamin ni Pulido na walang ispesipikong banta sa buhay ni Aquino sa ngayon pero nangangamba sila sa seguridad nito kung ililipat ito sa ibang kulungan.

“Isang decorated police officer si Aquino. Siya ang responsable sa mga (pagsugpo) sa maraming syndicated kidnapping, napakulong niya iyon. Maaarng merong totoong banta sa kanyang kaligtasan kung ikukulong siya sa city jail,” paliwanag ni Pulido.

Sinabi naman ni NBI spokesman Cecilio Zamora na mananatili si Aquino sa punong-himpilan ng NBI sa Maynila hangga’t walang kautusan ang korte na ikulong siya sa ibang lugar.

Dumating kamakalawa ng umaga si Aquino sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 at dinala sa NBI headquarter.

Kabilang si Aquino sa itinuturing na mga “bata” ni Senador Panfilo Lacson na isang suspek sa kaso hanggang sa idismis ito kamakailan ng Court of Appeals at pinawalambisa ang arrest warrant laban dito.

Si Lacson na dating hepe ng Philippine National Polie ang pinuno rin ng dating Presidential Anti-Organized Crime Task Force at nasangkot sa pagpatay kina Dacer at Corbito.

Samantala, sa Naga City, Cebu, nilinaw kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi niya kamag-anak si dating Police Supt. Michael Ray Aquino.

Sinabi ni Pangulong Aquino na naniniwala din siya na walang “VIP” treatment na makukuha ang dating pulis sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Aniya, ang natitiyak lamang niya ay magkakaroon ito ng patas ng paglilitis upang maipagtanggol ang kanyang sarili sa hukuman kaugnay sa Dacer-Corbito double murder case.

 “Ang tanging VIP treatment siguro na masasabi nakuha ni Michael Ray ay nang sinundo pa siya sa Estados Unidos pero ito ay bahagi ng extradition nito,” giit pa ng Pangulo.

Maging si dating Pangulong Joseph Estrada ay nais na ring malaman kung sino ang mastermind sa Dacer-Corbito double murder case upang magkaroon na ng closure ang nasabing kaso.

Ito ang sinabi kahapon ni Senate Pro-Tempore Jose “Jinggoy” Estrada kaugnay sa pagbabalik sa bansa ni dating police officer Michael Ray Aquino.

Ayon kay Estrada, hindi lamang ang kanilang pamilya ang nagnanais matapos na ang nasabing kaso kundi maging ang buong sambayanan.

“Yes! (gusto na nilang magkaroon ng closure ang kaso). Siyempre hindi lang ang pangulo ang interesado dyan kundi pati ang buong taumbayan.. buong bansa interesadong malaman ang mastermind sa pagpatay dun sa dalawa. Maging ako man ay interesado bilang senador na malaman kung sino talaga ang mastermind,” pahayag ni Estrada.

Inamin rin ni Estrada na ikinatuwa ng kanilang pamilya ang pagsasalita ni Aquino kung saan nilinis nito ang pangalan ng kaniyang ama at ni Lacson.

AQUINO

CECILIO ZAMORA

COURT OF APPEALS

DACER-CORBITO

DATING

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA

EMMANUEL CORBITO

ESTADOS UNIDOS

MICHAEL RAY AQUINO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with