MANILA, Philippines - Makatitiyak na ang mga OFWs na may benepisyo silang matatanggap o ang kanilang pamilya kung may masamang mangyaring sa kanila matapos lumagda sa isang memorandum of agreement ang Fortune Life Insurance Company, Inc. (FLIC) at Passenger Accident Management and Insurance Agency, Inc. (PAMI), sa Makati City.
Sa kasunduan, magsisilbing provider ng natural death benefit ang Fortune Life habang ang PAMI ang bahala sa insurance management at administration. Magtutulungan ang mga ito sa pagtugon sa mandatory insurance coverage requirement sa mga agency-hired migrant worker.
Sa patakaran ng Insurance Commission, ang bawat migrant worker na ide-deploy ng recruitment/manning agency ay dapat mayroong compulsory insurance contract nang walang babayaran ang manggagawa.
Malinaw din sa regulasyon na ang mandatory insurance coverage ng mga OFW ay hindi katulad ng ordinary at usual insurance contracts na ibinibigay ng ilang insurance providers sa Pilipinas.
Ang MOA signing ay pinangunahan nina Melecio Malilin, pangulo ng Philippine Charter; Evelyn Carada, executive vice president at general manager ng Fortune Life; Arnold Cabangon, presidente ng Fortune Life; Eduardo Atayde, Chairman of the Board ng PAMI at Angelo Antonio Buendia, Operations Manager ng PAMI.