Oil firms nag-rollback
MANILA, Philippines - Nakatanggap ng bahagyang luwag sa presyo ng petrolyo ang mga motorista makaraang limang kumpanya ng langis ang magbaba ng halaga sa kanilang mga produkto kahapon.
Dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang pangunahan ng Pilipinas Shell at Seaoil Petroleum ang pagtapyas ng P1.75 kada litro sa presyo ng diesel, P2 sa kerosene at mas mababa na P.75 sentimos sa premium, unleaded at regular gasoline.
Sinundan ito dakong alas-6 ng umaga ng Chevron Philippines, Eastern Petroleum at Phoenix sa kaparehong halaga habang ang independent oil player na Flying V ay nagbaba ng mas maliit na halaga na P1.50 sa diesel at P.50 sa gasolina.
Muling ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis ang galaw ng presyo ng petrolyo sa internasyunal na merkado na dahilan ng kanilang rollback.
Bago ang rollback, umaabot na sa P 1.75 kada litro ang naitataas sa presyo ng diesel, P.80 sentimos sa gasolina at P1.55 sa kerosene sa buong buwan ng Hunyo.
- Latest
- Trending