^

Bansa

Underemployment bumaba sa Caloocan

-

MANILA, Philippines - Dahil sa ipinakikitang sipag at dedikasyon sa trabaho ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ay naibaba nito ang underemployment sa lungsod na naging dahilan din upang makilala ang siyudad bilang isa sa “most business friendly city”.

Base sa nakalap na impormasyon sa Labor Industrial Relation Office (LIRO) ng Caloocan City, bumaba sa 12% ang underemployment sa lungsod kumpara sa 20% bago pa maging alkalde ng siyudad si Echiverri mahigit pitong taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Echiverri, maraming mga negosyante ang pumapasok ngayon sa lungsod dahil na rin sa tiwala ng mga ito sa kasalukuyang administrasyon bukod pa ang pagkakaroon ng maayos na peace and order sa buong Caloocan City.

Bukod dito, patuloy din ang ginagawang job fairs ng pamahalaang lungsod kung saan ay umabot na sa 114,061 aplikante ang nabigyan ng trabaho at inaasahan pa na lalo itong tataas dahil na rin sa tuloy-tuloy na programa ni Echiverri laban sa kahirapan.

AYON

BUKOD

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY

DAHIL

ECHIVERRI

LABOR INDUSTRIAL RELATION OFFICE

LUNGSOD

RECOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with