^

Bansa

Mga binaha sa MM inikot ni Noy

-

Personal na binisita kahapon ni Pangulong Aquino ang mga lugar sa Metro Manila na nakaranas ng ma­tinding pagbaha kung saan inuna niya ang Marikina.

Maraming residente sa nabanggit na bayan ang inilikas sa evacuation centers dahil sa matinding baha na dala ng bagyong Falcon.

Mula sa Caticlan, Aklan kung saan pinangunahan ng Pangulo ang inagurasyon sa iniayos na Caticlan Airport, agad na dumiretso si PNoy sa Brgy. Nangka, Marikina City paglapag sa Villamor Airbase, Pasay City.

Ang Pangulo ay sinalubong ni NDRRMC director Benito Ramos na nagbigay ng briefing kaugnay sa lawak ng pinsala ni Falcon.

Tinungo ng Pangulo ang Nangka Elementary School kung saan tinatayang nasa 4,000 ang dinalang evacuees.

Sinabi ng Pangulo sa mga naratnang residente na iparating sa kinauukulan kung may iba pang problema silang mararanasan at umapela rin ito na sana’y makipagtulungan sa gobyerno ang mga naapektuhan.

Inaasahang tutuloy din ang Pangulo sa Malabon kung saan marami rin ang inilikas sa mga evacuation centers dahil sa baha. (Malou Escudero)

ANG PANGULO

BENITO RAMOS

CATICLAN AIRPORT

MALOU ESCUDERO

MARIKINA CITY

METRO MANILA

NANGKA ELEMENTARY SCHOOL

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with