^

Bansa

Pasok sa opisina, paaralan sinuspinde

- Nila Rudy Andal at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Palasyo ang pasok sa lahat ng pambulikong tanggapan sa Metro Manila sanhi ng malakas na ulan dulot ng bagyong Falcon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mula ala-1 ng hapon kahapon ay pinauwi na ang mga empleyado sa lahat ng government offices sa Metro Manila alinsunod na rin sa isang memorandum na nilagdaan kahapon ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Hindi kasama sa nasabing kautusan ng Palasyo ang mga health workers, at mga kawani ng gobyerno na nasa linya ng delivery ng basic services at emergency duties. Dahil din sa magdamag na pag-ulan at pagbaha sa maraming lugar sa bansa kaya naging malawakan ang suspension ng klase sa elementary at high school kahapon.

Ayon kay DepEd-NCR Director Elena Ruiz, sinuspendi niya ang klase sa buong Metro Manila habang wala rin pasok ang mga estudyante sa Region 1, Region 2 at Region 3. Hindi rin pinapasok ang mga estudyante sa Calamba, Laguna; Antipolo City, Cavite, Cotabato City at Sultan Kudarat.

Sa ibang bahagi naman ng bansa ay mga school officials na ang nagsuspinde ng klase.   

ANTIPOLO CITY

AYON

CALAMBA

COTABATO CITY

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

DIRECTOR ELENA RUIZ

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

METRO MANILA

PALASYO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with