MANILA, Philippines - Mis-informed umano si Pangulong Noynoy Aquino sa mga isyu hinggil sa IT system ng LTO na Stradcom Corporation.
Ayon kay Stradcom president Cesar Quiambao, walang kinalaman ang kumpanya sa data ng sasakyan sa naganap na Manila Hostage Crisis at sa kahit anumang inputted data ng Land Transportation Office.
“First and foremost PNoy said that there are flaws in the data encoding of Stradcom. This is absolutely false, only LTO personnel can access and input data into the LTO IT system. Hence the motor vehicle report which PNoy was supposedly supplied with is not a Stradcom report but an LTO report. Stradcom put up the IT system, maintains the IT system in almost 250 sites nationwide but the actual encoding of motor vehicle data, accessing of the system is done only by the LTO,” paglilinaw ni Quiambao.
Niliwanag din ni Quiambao na ang P1.3 bilyon utang ng LTO sa Stradcom na ayaw bayaran ni Pangulong Aquino at ni LTO Chief Virgie Torres ay gross amount at hindi nila tubo.
Anya may mga operational expenses, salaries at wages, capital expenditures, technological upgrades at iba pang pinagkakagastusan ang kumpanya para makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa publiko.
Sinabi ni Quiambao na tumaas ang kita ng LTO ng P15 bilyon kada taon dahil sa computerization program mula sa dating P1 bilyon kita kada taon ng LTO noong manual pa ang operasyon ng ahensiya o mano-mano.
Bukod dito napabilis din ang transaksiyon sa LTO na mula sa buwan na aabutin sa rehistro ng sasakyan ay umaabot lamang ng wala pang isang araw at ang issuance ng drivers license ay 30 minuto lamang.
Bunsod umano nito, ang LTO ay ikaapat na sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan na may pinaka malaking kita dahil sa computerization at ito rin ay pinatunayan ng mga Regional Directors ng LTO batay sa kanilang experiensiya sa kanilang mga tanggapan.